Skip to main content

CPP-NPA has no respect for human life: Army Official

                  Photo: PNA 


Abril 4, 2021, Camp Jorge Downes, Ormoc City – Ang inyong kasundaluhan mula sa 93rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Battalion ay tumugon sa impormasyong binigay ng isang sumukong NPA na nagsasabing may isa silang kasamahang inilibing sa Sitio Kapitungan, Brgy Libo, Carigara, Leyte. Ayon sa kanya, ang naturang NPA ay nasugatan noong nagkaroon ng sagupaan ang tropa ng 19th Infantry Battalion laban sa kanilang grupo noong Hulyo 18, 2015 sa Brgy Caghalo, Carigara, Leyte. Sa kadahilanang hindi siya binigyan ng agarang at karampatang lunas, siya ay namatay at minadaling  inilibing lingid sa kaalaman ng kanyang mga mahal sa buhay.


Noong Abril 3, 2021, sa pakikipag-unayan sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Rehiyon 8, isinagawa ang isang retrieval operation na binuo ng pinagsanib puwersa ng kapulisan ng Carigara, Leyte at 93rd Infantry Battalion upang hukayin at alamin ang pagkakakilanlan ng naturang bangkay. Sa tulong uli ng dating NPA, positibong niyang kinilala ang bangkay sa pangalang ELEAZAR SABIDALAS na mas kilala sa kilusan sa alyas na SANGAY. Si alyas SANGAY ay isang kumander ng dating Front Committee Leyte ng Eastern Visayas Revolutionary Party Committee.


Kasalukuyang hinahanap ang pamilya o kamag-anak ni alyas SANGAY upang ipabatid ang kanyang kalunos-lunos na sinapit at maihatid na rin siya sa huling hantungan. Ang naturang bangkay ay dinala sa Carigara Funeral Homes upang paghandaan ang isang maayos at marangal na libing. 


Ayon sa salaysay ng dating kasamahang sumuko, ang walang pagpahalaga sa buhay ng bawat kasapi ang pangunahing dahilan kung kaya si alyas SANGAY ay tuluyang namatay. Sa halip na gamutin ang natamong sugat, siya ay sinadyang pinabayaan na siyang naging sanhi ng hindi pa napapanahong  kamatayan.


Dagdag pa niya, karaniwan sa mga gawain ng teroristang CPP-NPA-NDF ay ang sadyang paglihim ng mga sinapit ng kanilang mga kasapi sa kani-kanilang pamilya. Layunin nito ay upang hindi magkaroon ng demoralisasyon sa kanilang hanay at hindi mabatid ng puwersa ng pamahalaan ang pagkakakilanlan ng bawat miyembro nilang nasawi.


Ayon kay Brigadier General Zosimo A. Oliveros, pinuno ng 802nd Infantry Brigade, “malinaw sa ating lahat na ang teroristang NPA ay walang pagpahalaga sa kanilang mga kasapi. Bale-wala sa kanila ang maaaring mararamdaman ng mga naulila, mga magulang na nawalan ng anak, mga kabataang nasira ang kinabukasan at mga pamilyang kanilang winasak. Sa kabila ng lahat,  bilang mga Pilipino na may paniniiwala sa Panginoon, bigyan po natin ng halaga ang bawat buhay. Sa pagkakataong ito, nananawagan kami sa pamilya at kamag-anak, magtulungan po tayo para mabigyan ng  marangal at maayos na libing ang ating kapwa Pilipino na si ELEAZAR SABIDALAS.”


For Immediate Release:   04 April 2021

Contact:    CPT KAHARUDIN K CADIL (INF) PA CP Nr: 0917-560-5896

#ServingthePeopleSecuringtheLand

#GustoNaminKapayapaan

An Rehiyon Ocho Yana 

Carigara, Leyte LGU Carigara


Source: 802 Infrantry (Peerless) Brigade

Comments

Popular posts from this blog

FOKKER50: Inaugural flight from Ormoc to Cebu/Clark and vice versa

By: Wowie Phua It is with distinct honor that one of the leading travel agencies opens its line here in Ormoc. King Aces Travel & Tours Service, Inc. and Leading Edge Air Services Corp proudly introduce the Fokker50, a 50-seater plane that will fly from Cebu/Clark to Ormoc City and vice versa. People from our City and neighboring towns in West Leyte area need not go far whenever they feel the need to explore the unscatched beauty of the metropolis, they can now fly comfortably from Ormoc to Cebu or Clark in their convenient schedule every Friday. Fare rates (for October only) are P1,600.00 p/pax one way for flights from Cebu to Ormoc and P2,950.00 p/pax one way for flights from Clark to Ormoc. Rates may vary anytime. They're also considering giving promo rates for the holiday season. FLIGHT SCHEDULE 0930H - 1030H Gen. Aviation Mactan Cebu to Ormoc Airport 1100H - 1200H Ormoc Airport to Gen. Aviation Mactan Cebu 0800H - 1000H Clark International ...

OPENING CEREMONY: SUNDAY, May 5. Alex Gonzaga, Andrew E., Julie Ann San Jose for EVRAA Ormoc 2024

"Mark your calendars for an unforgettable event!  Tomorrow, May 5, marks the much-anticipated opening ceremonies of the Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) 2024, hosted by the vibrant city of Ormoc. This year's regional sporting extravaganza promises to be one for the books, with all divisions eagerly participating. With over 9 thousand athletes from across the region, the energy and excitement are palpable. Among them, I'm honored to represent our region in the upcoming PALARONG PAMBANSA, set to take place in Cebu City. The festivities kick off with a Press Conference at 1PM, setting the stage for an evening of celebration and competition. Join us at 6PM at the Ormoc City Sports Complex for the spectacular Opening Ceremony, featuring special performances by Bgyo, Alex Gonzaga, Julie Ann San Jose, and Andrew E. It's a gathering you won't want to miss! See you there as we come together to celebrate sportsmanship, camaraderie, and the spirit of comp...

EVRAA 2024: Opening Ceremony

Get ready for the sporting extravaganza of EVRAA 2024, where talented youth from across the region showcase their skills! Manila-based personalities like Andrew E., Alex Gonzaga, P-Pop Bgyo, Julie Ann San Jose, and others will grace the event alongside media and sports icons like Mike Bustos, Gretchen Ho, and Bisaya YouTube sensation Chito Samontina. Thirteen divisions will compete for the gold and the chance to represent Eastern Visayas in the PALARONG Pambansa in Cebu City. Ormoc City Siglaro Elites, last year's top division with 178 golds, is poised for another impressive performance. Ormoc City is hosting a well-prepared EVRAA, featuring a grand opening ceremony at the Ormoc City Sports Complex and the inauguration of a new Athletes Dormitory.  Stay tuned for exciting updates!"