PAHAYAG NG DEPARTMENT OF HEALTH-EASTERN VISAYAS
June 15, 2020 | 3:00 PM
Magandang araw sa inyong lahat! Ang Department of Health- Eastern Visayas ay patuloy na nagbabantay at gumagawa ng mga hakbang upang tuluyan ng matapos ang krisis na ito dito sa ating rehiyon.
Over the weekend, naitala natin ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 dito sa ating rehiyon at umabot na tayo ng 200 na kumpirmadong kaso.
Sa patuloy na paglobo ng kaso, naitala din natin ang local transmission sa i-ilang lugar dito sa atin, at ito ang mga bayan ng La Paz, Hilongos at Tacloban City.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng local transmission? Ang local transmission ay nangangahulugan na ang lugar kung saan pinanggalingan ng sakit ay sa lugar mismo Habang ang “community transmission” ay ang hindi mai-ugnay na pagkalat ng sakit at sa mga dumaraming kumpirmadong mga kaso sa lugar.
Ekinonsidera na may local transmission sa mga lugar na nabanggit sapagkat nagkaroon na ng pagkahawa ang ibang tao katulad ng ating mga healthworkers na posibleng nakakuha sa kanilang pasyente o sa kanilang ka trabaho o sa trabaho mismo.
Sa ngayon, ang local transmission ay isolated na kaso sa iilang lugar lamang at hindi sa buong rehiyon.
Sa La Paz, Leyte ang mga health workers na nagpositibo ay posibleng nahawa sa kanilang mga nagpositibong pasyente o sila mismo ay nagkahawaan na. Muli, ine-emphasize namin ang pagsunod sa minimum public health standard precautions sa lahat lalo na sa community.
Ang Tacloban at Hilongos naman ay naisama sa mga lugar na may local transmission. Ngunit, sa imbestigasyon na isinagawa ng surveillance team at base sa available information na nakuha natin, pwede na po natin ekonsidera na may community transmission sapagkat hindi natin matukoy kung saan talaga ang source ng virus.
Itong community transmission sa Hilongos at Tacloban ay isolated case din, at hinihintay pa rin natin ang mga resulta ng mga close contacts nila.
Sa patuloy na pagtaas ng kaso sa mga lugar na mayroong positibo, pwedeng gawin ng mga Local Chief Executives ang mga mitigation approach katulad ng community restrictions per advise and recommendation ng AITF (GCQ, ECQ or lockdown) or pag-isolate sa mga taong mayroong sintomas lalo na ang mga may history of travel or exposure to COVID-19 case.
Sa mga uuwi namang OFWs, Locally Stranded Individuals at Balik Probinsya Beneficiaries, kailangan ma-quarantine agad sila pagdating sa kanilang lugar upang masiguro natin na hindi sila makakahawa kung sakali mang may dala silang virus.
Sa ngayon, ang mainam na gawin ng lahat ay limitahan ang sarili sa paglabas ng bahay kung wala namang importante na lakad, o di kaya, sundin ang mga mimimum public health standard precautionary measures o ang tinatawag nating new normal sa panahong ito.
Gaya ng paghugas ng kamay, pagsuot ng mask, pag-maintain ng isang metro na pagitan for physical distancing at pagsunod sa mga floor markers sa matataong lugar tulad ng palengke, groceries o opisina.
Muli, ang Department of Health-Eastern Visayas ay nagpapasalamat sa lahat ng mga frontliners sa walang sawang pagod at supporta na malabanan at maiwasan ang COVID-19. Para sa lahat ng mamamayan dito sa rehiyon, maging responsable at huwag maging kampante. We are all in this together and together we will beat COVID-19.
Maraming Salamat po!

Comments
Post a Comment